Panauhing Pandangal

Panauhing Pandangal

Nitong Oktubre 5, 2023 ay ipinagdiwang ang World Teachers’ Day at bilang pakikiisa po rito ay nagpunta kami sa paaralan upang magbigay ng munting regalo at ipaabot ang aming pagbati para sa kanila. Sa aming pagbisita ay nagkaroon po sila ng munting programa. Hindi ko po akalain na ako bilang kumakatawan sa Pandayan Bookshop ay papupuntahin sa entablado upang magsalita. Kaya naman habang ako ay nagpapaabot ng aking mensahe ay hindi ko maiwasang magalak dahil ito ang unang pagkakataon na ako ay magsalita sa entablado sa harap ng maraming tao. Pakiramdam ko ay napaka-special kong Panauhin sa kanilang paaralan. Lahat po ng ito ay dahil sa Pandayan Bookshop na bukas para sa lahat ng gustong umunlad ang pagkatao.